Bomb signature sa pagsabog sa Indanan, Jolo Cathedral, parehas

Magkapareho ang bomb signature sa dalawang pagpapasabog sa kampo ng militar sa Indadanan, Sulu nitong Biyernes na ikinamatay ng walong katao at naganap na twin bombing sa Jolo Cathedral noong nakaraang Enero 27 na ikinamatay naman ng 23 katao ayon sa opisyal ng militar.


P49 milyon halaga ng marijuana binunot sa Kalinga province

Umaabot sa mahigit P49 milyon halaga ng tanim na marijuana ang binunot sa isinagawang tatlong araw na operasyon ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa may isa at kalahating ektarya na plantasyon nito sa Barangay Loccong Tinglayan, Kalinga Province.


PNP-IMEG pormal nang pinalit sa CITF

Pinagana na ng Philippine National Police (PNP) ang IMEG o Integrated Monitoring and Enforcement Group kapalit ng dating Counter Intelligence Task Force (CITF).


Suspek sa pagpaslang kay Sytin, nahuli na

Nadampot na ng mga awtoridad ang hinihinalang gunman sa pagpaslang sa United Auctioneers founder na si Dominic Sytin, ayon sa report ng Philippine National Police.


Mga VIP dumalo sa PMA Alumni Homecoming

Dumalo ang mga matataas na opisyal ng gobyerno kabilang na ang mga opisyal ng mga pulis at militar, at iba pang VIP sa Fort del Pilar, Baguio City para sa 2019 Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming nitong Sabado, Pebrero 16.