Pagbabakuna sa mga guro madaliin para sa limitadong face-to-face classes

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga local government units (LGUs) na tulungan ang Department of Education (DepEd) sa mas mabilis na pagpapabakuna ng mga guro laban sa COVID-19 lalo na’t nakatakdang simulan ang pilot test ng limited face-to-face classes sa Nobyembre 15.