Garcia, Tamaraws biyahe sa championship

Matapos ang anim na taon, balik-finals sa men’s volleyball ng UAAP ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws makalipas kaldagin ang Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles 21-25, 25-23, 25-22, 25-22 Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay.


Manganti muling umariba kontra NU: Adamson inilista ang 5-0

Rumatsadang muli si Sean Manganti para sa Adamson University Soaring Falcons upang maiwasan ang kanilang meltdown kontra National University Bulldogs, 63-58, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre nitong Miyerkoles, Setyembre 29.


Adamson, tatablahin ang NU; UST haharapin ang Ateneo

Matapos ang kanilang panalo laban sa University of the Philippines, tatangkain ng Adamson University na ipagpatuloy ang kanilang panalo laban sa National University Bulldogs bukas, Setyembre 29, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Ateneo Blue Eagles pinaamo ang NU Bulldogs

Pinatumba ng defending champions Ateneo de Manila University Blue Eagles ang National University Bulldogs, 72-46, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum ngayong Setyembre 22.


TNT-ABANTE-TONITE-dlsu-nu

Jumper ni Baltazar, sumelyo sa panalo ng DLSU kontra NU

Nabuhay si Justine Baltazar sa dulo para pangunahan ang De La Salle University Green Archers sa kanilang panalo kontra National University Bulldogs, 80-76, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Lungsod ng Pasay nitong Miyerkoles, Setyembre 19.


bryan-bagunas

PVL: Bagunas brinaso ang NU para sa kampeonato

Binuhat ni Bryan Bagunas ang National University Bulldogs laban sa University of Santo Tomas Golden Spikers, 25-21, 25-18, 25-14, upang maiuwi ang kampeonato ng 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan, Miyerkoles ng hapon, Setyembre 12.


Bulldogs sinagpang ang Red Lions, pasok na sa semis

Wala man ang ace hitter na si Bryan Bagunas, hindi pa rin napigilan ng San Beda University Red Lions ang pagragasa ng National University Bulldogs, 25-20, 12-25, 28-30, 16-25, para makakuha ng tiket sa Final Four sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan ngayong Miyerkules.


PVL: Pagkabokya ng Arellano tatapusin vs NU

Tatangkain ng Arellano University Chiefs na makuha ang kanilang unang panalo laban sa National University Bulldogs sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.


NU Bulldogs nasilo si Rike

Magbabalik sa collegiate basketball ang Gilas Pilipinas cadet na si Troy Rike para sa National University Bulldogs sa darating na UAAP men’s basketball season.


10-game losing streak nalasap ng UST

Napigilan ng National University Bulldogs ang kanilang dalawang sunod na talo matapos padapain ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa UAAP Season 80 basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.