Pagsasabatas ng NAS ikinatuwa ni Ramirez

Umaasa ang Philippine Sports Commission (PSC) na tuluyang matutugunan ang kakulangan sa de-kalidad na balon ng pagkukunan ng mga batang atleta para sa pambansang koponan at mga national sports association matapos na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas para buuin ang National Academy of Sports (NAS).