Tinatayang P2M halaga ng droga NASABAT SA MAKATI

Tinatayang aabot sa 2 milyon piso halaga na tumitimbang ng 300 gramo ng iligal na droga ang nasabat sa pinagsanib pwersa ng QCPD kamuning station 10 at District Intellegience Division(SPD- DID) sa ikinasang buy-bust operation sa M.H Del Pilar St. Brgy Rizal sa Makati City kaninang madaling araw. Naaresto naman ang tatlong drug suspek na sina Angel Marie Bueno,Maria Aira Caamic at Norberto Ortiz habang ang isa nilang kasamahan ay nakatakas. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Mga overpriced face mask nasabat

Ayon kay Barangay Kagawad Dennis Pancipe, nagsasagawa sila ng monitoring sa mga establisimyento sa Makati nang makita nila ang isang laundry shop na pag-aari ng Chinese na nagbebenta ng overpriced na face mask. Mahigit 2 libong face mask ang nakuha ng mga tauhan ng Barangay Pio del Pilar.


P200K pekeng yosi, nasabat sa Pangasinan

Aabot sa P200,000 halaga ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng Dasol Police Station (DPS), Pangasinan na ibinebenta sa kanilang pamilihang bayan ng dalawang kalalakihan, noong Biyernes.


Sangkap sa paggawa ng bomba nasabat sa Cotabato

Sangkap sa paggawa ng bomba nasabat sa Cotabato

Sinalakay ng mga sundalo na nakatalaga sa 7th Infantry Battalion (7IB) ang kuta ng umano’y Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at nasabat umano ang mga sangkap sa paggawa ng pasabog, Sabado ng umaga sa Pikit, North Cotabato


2,400 kilo ng siomai nasabat sa Ilocos Norte

Nasabat ng Quarantine Task Force-Laoag City (QTF-LC) ang 2,400 kilo ng pork at chicken siomai sa ginawang checkpoint sa Barangay Bio, Taguidin, Ilocos Norte noong Linggo ng umaga.


Limpak na meat product, nasabat sa Isabela

Nasamsam ng mga miyembro ng African Swine Fever-Task Force (ASF-TF) sa bayan ng Iligan, Isabela ang 75 na karton ng mga frozen meat product mula sa Quezon City sa isang checkpoint sa boundary ng Iligan at Gamu noong Martes.


P45K halaga ng liquid marijuana, nasabat sa Fil-Am

Nasa 30 vape cartridge na naglalaman ng liquid marijuana na mula China ang nasamsam ng mga opisyal ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City noong Lunes.


Tarantula ipinalaman sa biscuit, nasabat sa NAIA

Naharang ng mga alertong tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Central Mail Exchange Center ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasa 757 piraso ng buhay na tarantulas na nagkakahalaga ng P310,000 mula sa Poland.


P1M halaga ng shabu nasabat sa Naga City

Nasamsam ng mga pulis ang tinatayang P1 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang naarestong lalaki sa isang buy-bust operation sa Naga City, Biyernes ng gabi.