Pagpasok sa mga bangko ng naka-helmet, salamin, ipagbabawal ni Moreno

Pinapakita ni Manila Mayor Isko Moreno at MPD District Director Vicente Danao sa isang puno balitaan ang CCTV sa labas ng bangko kung saan makikita ang pagpasok ng mga holdaper sa Metrobank Sto. Cristo sa Maynila. Imunungkahi ni Moreno sa konseho na magpasa ng ordinansa na magbabawal na magsuot ng helmet at salamin sa pagpasok sa bangko.