Modernong PUV mabuti sa kalusugan at kaligtasan ng mga tsuper at pasahero- environmentalist

Binigyang diin ng Clean Air Philippines Movement Incorporated (CAPMI), isang grupong pangkalikasan, na mas makakabuti sa kalusugan at kaligtasan ng mga drayber, opereytor at komyuter ang pagpasada ng mga modernong public utility vehicles (PUV) na pumasa sa mahigit 50 pamantayan ng “roadworthiness” ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) tulad ng malinis na emisyon.