Anggun ‘natomboy’ kay Pia Wurtzbach

Hindi napigilan ng international singer mula sa Indonesia na si Anggun ang sobrang paghanga niya kay Sarah Geronimo at Miss U 2015 Pia Wurtzbach. Na-meet niya ang dalawang Pinoy pride sa kanyang guesting sa ASAP nitong Linggo para sa promotion ng kanyang album na ‘8’.