Panukalang nationwide MGCQ muling pag-aaralan ni Duterte – Go

Sa pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccine, inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go na pag-aaralang muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang nationwide shift sa modified general community quarantine (MGCQ) sa tulong ng mga eksperto.


DOH: Cebu, 3 pang lungsod MGCQ hanggang March 15

Malamang na manatili sa modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Marso 15, 2021 ang lalawigan ng Cebu at tatlo pang siyudad na Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu, ayon kay Department of Health Central Visayas (DOH 7) spokesperson Dr. Mary Jean Loreche.


COVID-19 rollout info campaign kulang – Go

Para mapalakas ang tiwala ng tao sa COVID-19 vaccine, kailangang magkaroon ng komprehensibong information campaign program at magboluntaryo ang mga opisyal ng gobyerno na magpabakuna sa harap ng publiko.


Duque: I think handa na tayo sa MGCQ

Tiwala si Health Secretary Francisco Duque III na handa na ang buong bansa na maisailalim sa pinakamaluwag na quarantine status sa susunod na buwan, kahit pa sumisirit ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, maging ang mga variant at mutation nito.


Mga alkalde sa NCR pabor sa MGCQ sa Marso

Pabor ang mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa modified general community quarantine (MGCQ) sa Marso ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco.


San Juan mayor ayaw MGCQ sa Marso

Ilang alkalde sa Metro Manila ang hindi sang-ayon sa panukala na ilagay ang buong bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula Marso 1.


MGCQ sa buong bansa simula Marso tinutulak

Iminungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na buksan na ang buong bansa at ilagay ito sa pinakamaluwag na quarantine status, ang modified general community quarantine (MGCQ), simula Marso 1.


Bakuna muna bago MGCQ – OCTA Group

Binigyang-diin ng dalawang eksperto mula sa OCTA Research Team na unahin ang COVID-19 vaccination program sa bansa bago pag-usapan ang pagluluwag sa umiiral na quarantine status sa Metro Manila.


DepEd: Bawal pa rin lumabas mga bata

Sumang-ayon ang Department of Education (DepEd) sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang pagpapahintulot niya sa mga 10 hanggang 14-anyos na lumabas ng kani-kanilang mga bahay para sa mga lugar na sakop ng modified general community quarantine (MGCQ).


Duterte: 10-14 anyos sa bahay na muna

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpayag ng gobyerno na palabasin ng bahay maging ang mga edad 10 hanggang 14 sa mga lugar na sinailalim sa modified general community quarantine o MGCQ.


DTI tiwalang MGCQ na Metro Manila sa 2021

Umaasa si Trade Secretary Ramon Lopez na magpatuloy ang pagbaba ng COVID-19 case sa Pilipinas upang tumaas ang posibilidad na mailipat na ang Metro Manila sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) pagpatak ng Enero 2021.


MGCQ sa 2021 hangad ng DOH

Nagpahayag ng pag-asa ang Department of Health (DOH) na lahat ng local government unit (LGU) sa Pilipinas ay mailalagay na sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) sa unang bahagi ng 2021.