Bahay ng kongresista sa Davao del Sur, sinira ng lindol

Sa panayam sa senado naging emosyunal sa harap ng mga mamamahayag si Davao Del Sur Lone District Congresswoman Mercedes Cagas na isinalaysay sa media ang trauma na nararanasan matapos ang matinding lindol sa kanilang lalawigan kung saan labis siyang nag-aalala sa kanyang asawa nasi Governor Douglas Cagas at sa kanyang mga anak dahil maging ang kanilang tahanan ay nawasak sa trahedya.


2 pusher nadakip ng Pasay police

Iniharap sa media ni Pasay City Mayor Emi Calixto at Chief of Police Cornel Bernard Yang ang dalawang drug pusher kabilang ang isang babae na naaresto ng mga operatiba sa Maricaban Pasay City.


Huwag sisihin ang media sa palpak na SEAG – NUJP

Naglabas ng pahayag ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Miyerkoles ng gabi upang depensahan ang akusasyon sa paglalabas ng negatibong balita patungkol sa 30th Southeast Asian Games.


Mga LGU hahatulan na sa clearing ops

Sesentensiyahan na ng validation teams ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa pagtatapos ng deadline ng ipinag-utos na clearing operations sa Lunes, Setyembre 30.


Koko nanawagan sa media: ‘Wag kayong magtampo

Nananawagan si Senate Committee on Foreign Affairs Chairman Senator Aquilino Koko Pimentel III sa media na huwag magtampo kapag idinaan sa executive session ang ilang usapin sa foreign police ng Pilipinas sa China.