DOLE: Mga empleyado dapat may dagdag-leave sa COVID-19

Hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng pamunuan ng mga kompanya na maglaan ng karagdagang leave para sa kanilang mga tauhan sa kasagsagan ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak sa bansa.