Apat na tres ni Tyler Tio, susi ng Ateneo kontra EAC

Nagpakawala ng apat na tres si Tyler Tio tungo sa game-high 19 markers at giyahan ang Cignal-Ateneo Blue Eagles sa limang dikit na panalo sa 2019 PBA D-League sa bisa ng 90-46 pagkatay sa Batangas-EAC Generals Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.


Kabutihan nina Matt, Thirdy ikinarangal ng Chooks

Binigyang-pagkilala ng Chooks-to-Go ang paglalaro nina Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Matt Nieto sa kanilang kampanya sa Pilipinas-Ateneo De Manila sa paglalaro kontra South Korea sa katatapos lamang na William Jones Cup sa Taipei, Taiwan.


‘3’ ni Nieto swak, Ateneo pinikit ang Taiwanese

PINAKAWALAN ni Matt Nieto ang 3-point shocker 3.1 seconds sa orasan na nagbigay sa Ateneo ng makalaglag-silyang 77-76 panalo kontra Chinese Taipei Blue sa 40th William Jones Cup sa New Taipei City Sabado ng gabi.


CJ Perez ng Lyceum, swak sa mythical

Swak sa Mythical Team ang pambato ng Lyceum of the Philippines University na si CJ Perez sa Chooks-to-Go Collegiate Basketball Awards na gaganapin ngayong gabi sa The Bayleaf Hotel sa Intramuros.


DLSU-Ateneo muli sa Finals

Sa Ateneo pa rin ang huling puwesto sa finals matapos sipain ang FEU, 88-84, sa overtime Miyerkoles ng gabi sa UAAP Season 80th semifinals sa Mall of Asia Arena.