Laki ng gastos sa flood control pero bumabaha pa rin – Lopez

Nagpahayag ng pagkadismaya si House Committee on Metro Manila Development chairperson at Manila Rep. Manny Lopez sa patuloy na paglubog sa maraming lugar sa bansa sa kabila ng bilyun-bilyong pondo na ginugugol ng gobyerno sa mga flood control project.