MPBL: Sedurifa, Makati martsa sa North finals

Pinabaga ni Joseph Sedurifa ang Makati-Super Crunch sa overtime para kunin ang ticket tungong North finals nang tiklupin ang Manila-Frontrow, 78-75, Biyernes ng gabi sa Game 3 ng 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan North semis na ginanap sa San Andres Sports Complex.