Dahil sa mababang pagmamahal sa bayan ng kabataan: DepEd pabor sa ROTC

Sinabi ni Arnulfo Empleo ng Department of Education na suportado ng departamento ang pagkakaroon ng mandatory ROTC sa senior highschool upang magkaroon ng kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral sa disaster preparedness na isasama sa curriculum sa ROTC upang magamit sa posibleng sakuna sa hinaharap.


Mandatory ROTC kasama sa priority bill ng Palasyo

Inisa-isa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga legislative agenda o priority bills ng palasyo ng Malakanyang kung saan nangunguna sa listahan ang pag-amiyenda sa human security act at ang mandatory ROTC.


Win muling maghahain sa 18th Congress ng ROTC bill

Muling maghahain si Senador Sherwin Gatchalian na naglalayon ng mandatory ROTC sa senior high school.

Layunin ni Gatchalian na maging responsable ang mga kabataan hindi lamang sa pagmamahal sa bayan kundi ang pagtulong sa panahon ng kalamidad.