Sara, Bulacan patok sa ‘Munti’

Tiyak tutok ang depensa kay Roldan Sara ng Bulacan Kuyas na asam umarangkada nang ika-4 na sunod na panalo kontra Muntinlupa Cagers sa huling laro mamaya, Setyembre 16, ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims sa Bulacan Capitol Gym, Malolos.


Rondina ginanahan sa cheer ng mga fan

Hindi binigo ni Cherry Ann Rondina ang kanyang fans sa Malolos, Bulacan matapos akbayan ang Petron Blaze Spikers sa 25-16, 29-27, 25-22 panalo kontra PLDT Home Fibr Power Hitters kagabi sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Malolos Sports and Convention Center.


Ilang bahagi ng Bulacan, Cavite naperwisyo ng brownout

Sa kabila ng paniniguro ng Department of Energy (DOE) na hindi na kailangan ng rotational service interruptions kahit pa mataas ang demand kumpara sa electricity supply, nakaranas pa rin ng mga brownout sa ilang parte ng Bulacan at Cavite nitong Miyerkoles.


17 rebounds ni Jay-R Taganas nagbunga sa Bulacan Kuyas

Hindi pinayagan ng Bulacan Kuyas na mapahiya sila sa sarili nilang bahay kaya’t nagpakitang-gilas ang mga ito at pinadapa ang bisitang Batangas City Athletics 63-54 sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Martes ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos, Bulacan.


ban

Negosyante, tiklo sa gun ban sa Bulacan

Nadakip ang isang negosyante matapos lumabag sa umiiral na gun ban.

Kinilala itong si Fernando Garcia III, 59-anyos, residente ng No. 613 Canlapan, Sto. Rosario, Malolos, Bulacan.


4 na drug pushers timbog sa Bulacan

Hindi na nakapalag ang apat na tulak ng droga makaraang makorner sila ng awtoridad at makumpiskahan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Malolos City at Angat,Bulacan kamakalawa.


P563M halaga ng droga, sinilaban ng PDEA

Umaabot sa halagang P563.4 milyong halaga ng droga ang sinilaban ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clean Leaf International Corporation, sa Barangay Maysilo, Malabon, kaninang umaga.