Age restriction sa mga mall pag-aaralan – Abalos

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na magkakaroon ng pulong ang ilang health official sa NCR ngayong Martes upang pag-usapan ang pagpapatupad ng age restriction sa mga mall.


5-anyos pataas puwede na lumabas sa GCQ, MGCQ area

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na makalabas ang batang edad 5-anyos pataas sa loob ng GCQ at MGCQ area kung saan kabilang dito ang parks, playground, beach, biking at hiking trails, outdoor tourist sites at attraction.
Ngunit hindi pa rin pinapayagan ang mga bata na maglibot sa mga mall.


QR code ikakalat sa mga mall, bangko, resto

Para mapalakas ang contact tracing sa mga taong posibleng na-expose sa coronavirus disease, gagawing available ang quick response (QR) code sa mga mall, bangko, restaurant pati na sa mga public bus.