MPBL: Mga fan ng San Juan dedma sa ‘corona’

Kahit na may banta ng coronavirus o COVID-19 ay dinagsa pa rin ng mga manonood ang bakbakang San Juan-Go for Gold kontra Makati Super-Crunch Lunes ng gabi sa Game 1 ng best-of-three North Finals ng 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.