MRT

MRT3 balik-aberya na naman, 1K pasahero pinababa

Matapos ang dalawang linggong maayos na serbisyo, muli na naman sumablay ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 matapos pababain ang 1,000 pasahero bunsod ng hindi pagsara ang pintuaan ng tren.


gas

Presyo ng gasolina, diesel, gaas magtataas sa Martes

Hindi natapos noong Mahal na Araw ang kalbaryo sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Muli itong magtataas bukas, Martes, Abril 3, alas-sais ng umaga.

Sa sunod-sunod na abiso ng Shell, Flying V, Seaoil at Caltex, magtataas ng P0.90 ang presyo ng bawat litro ng gasolina.


Hidilyn Diaz

Dasal, ensayo armas ni Diaz

Hindi nakalimot ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist na si Hidilyn Diaz na magpasalamat sa kanyang mga natamasang biyaya at saglit na nagpahinga sa training para bigyan ng oras ang pag-oobserba sa banal na tradisyon sa bansa – ang Mahal na Araw.


lakbay-alalay

‘Lakbay Alalay’, ilulunsad ng DPWH ngayong Mahal na Araw

Muling ikakasa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang “Lakbay Alalay” bilang paghahanda sa Semana Santa.

Ayon sa DPWH, simula alas-12:00 tanghali sa Miyerkoles, Marso 28 hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Lunes, Abril 2 ay magde-deploy na ang kagawaran ng mahigit 100 team sa mga pangunahing kalsada para magabayan at magbigay ng libreng roadside emergency repair assistance sa mga motorista.


MPD naglabas ng travel tips ngayong Semana Santa

Nagpahayag ng mahahalagang panuntunan o travel tips ang Manila Police District (MPD) sa mga magbibiyahe o magbabakasyon sa mga lalawigan at iba pang lugar sa harap na rin ng ginugunitang Mahal na Araw.