LTO central office kinandado sa COVID

Pansamantalang itinigil ang operasyon sa central office ng Land Transportation Office (LTO) matapos na 12 empleyado nito ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) batay sa isinagawang rapid test.


LTO Central Office isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa lockdown ang LTO central office at kasalukuyang nagsasagawa ng disinfection kaya hindi na muna ito tumatanggap ng mga magrerehistro. Sa Lunes na ulit ibabalik ang operasyon.