Mas maraming ruta sa mass transport bubuksan

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), magbubukas sila ng iba pang ruta para sa public transport sa loob at labas ng Metro Manila dahil ito ang hinihiling ng mga mamamayan.


EDSA Busway arangkada na

Sinimulan na ang interim operation ng EDSA Busway nitong Miyerkoles, Hulyo 1, bilang kaagapay ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 at bus augmentation program.


LTFRB buwagin na — solon

Pinabubuwag na ni Senior Citizens Partylist Rep. Francisco ‘Jun’ Datol ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa kawalan ng aksiyon nito sa sangkatutak na reklamong ibinabato sa kanilang tanggapan.


Commuters group sa LTFRB: Payagan na ang tradisyunal na jeep

Dahil sa hirap na dinaranas at halos ilang oras na nakatengga sa pag-aabang sa lansangan, umaapela na rin ang grupo ng mga commuter sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan nang makabiyahe ang mga tradisyunal na jeep.


400 pang empleyado ng Victory Liner namimiligro

OLONGAPO CITY – Nanawagan si Victory Liner Inc. Branch Manager Pocholo Galian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maisalba ang posibleng pagkasibak ng daan-daan pa nilang mga empleyado bago matapos ang buwan ng Hunyo.


Robredo: Jeepney phaseout ‘wag ipilit sa COVID pandemic

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga kawani ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mahabag sa mga tsuper ng lumang jeepney na sa ngayon ay hindi pa pinapayagang makabiyahe.


Pagbiyahe ng jeep posible – Roque

Maaari umanong magbalik-pasada na ang mga traditional jeepney habang patuloy na niluluwagan ng pambansang gobyerno ang paghihigpit sa transportasyon.


Mga taxi, TNVS balik pasada sa Metro Manila

Binigyan ng go signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit 35,000 unit ng taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS) para makabiyahe na sa Metro Manila.


3 karagdagang ruta ng mga bus, bubuksan ng DOTr, LTFRB

Simula bukas, Biyernes ay magbubukas ang Department of Transportation (DoTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 3 karagdagang ruta ng mga bus para makadagdag sa mga empleyadong nagbabalik trabaho sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).


LTFRB: Walang taas-pasahe pagkatapos ng ECQ

Siniguro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang magiging dagdag pasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan sakaling alisin na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.


Nagpilit bumiyahe: Libong taxi hinarang sa EDSA

Hindi na muna hinuli at pinauwi na muna ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga taxi driver na nagpumilit pa ring mamasada sa kabila ng suspensyon ng biyahe ng lahat ng pampublikong sasakyan.