Pagsangla sa mga bakwit na hayop inihahanda na

Naglalatag ngayon ang Department of Agriculture (DA) ng programa kung saan maisasangla ang mga baka, kabayo, kambing at iba pang mga alaga ng mga magsasakang apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas para hindi ito katayin o ibenta nang palugi ngayong gipit pa ang mga residente roon.