4 naghati sa titulo ng 2019 BNTV Cup

Matapos mapawi ang ulap ng alikabok, apat na kalahok ang nanatiling matatag hanggang sa huli upang magtapos na may tigsiyam na panalo at maghari sa labanan ng halos 1,800 entries upang pagsaluhan ang kampeonato ng 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby matapos ang grand finals na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong nakarang Lunes, ika-9 ng Setyembre.