PCSO, Go For Gold aayuda sa mga atleta

Nagkapit-bisig ang Philippine Charity Sweepstakes Office at Go For Gold Philippines upang mabigyan pa ng dagdag tulong ang mga pambansang atleta na nakatakdang lumaban sa nalalapit na pagho-host ng ‘Pinas sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.