jackpot

P12-M lotto jackpot, nadale ng Batangueño

Isang taga-Batangas ang nanalo ng jackpot prize na P12,433,949.00 nitong Martes para sa 6/42 Lotto draw.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander F. Balutan, ang winning ticket na may kumbinasyon ng mga numerong 38, 08, 01, 05, 34, 22 na lumabas nitong Martes, Marso 27, ay binili ng winner sa lotto outlet sa Lipa, Batangas.