Hidilyn naka-2 bronze sa World Championships

Unti-unting pinapaganda ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang kanyang tsansa na masungkit ang pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas sa kada apat na taong Olimpiada sa pagwawagi nito ng dalawang tansong medalya sa ginaganap na International Weightlifting Federation World Championships sa Pattaya, Thailand Biyernes ng gabi.