11 estudyante nalason sa panis na kanin

Labing-isang babaeng high school student ang isinugod sa pagamutan, Sabado ng gabi, matapos na makaranas ng matinding pananakit ng tiyan dahil umano sa pagkalason sa kinaing sinangag sa kanilang school camping sa Barangay Manguiao sa bayan ng Asturias, Cebu.