BANTAY COVID-19: Frontliner naiyak! Nanghiram lang ng bike para makapasok

Umiiiyak ang isang frontliner ng Fabella Hospital habang nagkwento na nanghiram sila ng bike para makapasok lang sa ospital at makapagsilbi sa bayan. Ikiwento ni Angelo Rodriguez na karamihan sa frontliners ay mga walang sasakyan at minsan ay sumusugal sila na sumakay sa habal-habal kahit na ito ay bawal para lang makapasok. Ang asawa niya at kapatid ay kapwa nurse din na minsan ay naglalakad ng mahigit isang oras para lang makapasok sa ospital.


Mga ‘habal-habal’ pinaghuhuli ng MMDA

Sinuyod ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Eastern Metro Manila upang hulihin ang mga habal-habal o mga motorsiklong iligal na pumapasada sa mga lansangan.


Habal-habal nahulog sa tulay, 3 patay

Patay ang isang driver at dalawa nitong pasaherong bata matapos mahulog sa tulay ang sinasakyan na habal-habal sa bayan ng Lopez sa lalawigan ng Quezon.