arestado

Mga suspek sa pagpatay sa Barangay kapitan sa QC, nadakip ng PNP

Nadakma na ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang apat na umanoy ‘hired killer’ na tumambang kay Brgy. Bagong Silangan Chairwoman, Crisell Beltran na tatakbong kongresista sa District 2 at driver niyang si Melchor Salita sa Quezon City, habang nakatakas naman ang dalawa pa umanong mga kasamahan nito.


SHABU9

6 kilo ng shabu nahukay sa QC

Umaabot sa anim na kilo nang ibinaon na shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon ang nahukay sa pagawaan ng refrigerator ng mga gumagawa ng drainage system sa Barangay North Fairview, Quezon City nitong Huwebes, Setyembre 13.


Arnold Padilla inilipat na sa Camp Crame

Inilipat kahapon sa Philippine National Police (PNP) General Hospital ang naaarestong negosyanteng si Arnold Padilla, makaraang tumaas na naman ang blood pressure, nang ibabalik na sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig.


PO1 applicants, isasailalim sa ‘RONMMEDS’

Alinsunod sa mga programa ng Philippine National Police (PNP) na modernization program at Internal Cleansing programs, gagamitin na rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang RObust, Neuro-Psychiatric, MEDical AND Dental System (RONMEDDS) sa pagpoproseso ng mga PO1 na aplikante na sinimulan nitong Agosto 14, 2018.


3 Badjao huli sa pagpatay sa pawikan

8 drug pusher nalambat sa Kyusi

Muli na namang nakahuli ng walong tulak ng iligal na droga ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa patuloy na ‘anti-crime operation’ na isinasagawa sa Quezon City.


Abante-TnT-Teenager-na-tulak-nanlaban-sa-buy-bust-todas

Teenager na tulak, nanlaban sa buy-bust, todas

Dead on the spot ang 18-anyos na binatilyo habang nakatakas ang tatlo nitong kasamahan sa ikinasang buy–bust operation ng QCPD Station Drug Enforcement Unit (DEU) sa Quezon City, kahapon ng hatinggabi.


shabu-nakumpiska

P1.2M halaga ng shabu nakumpiska sa drug dealer sa QC

Nabitag ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang dalawang lalaki na umano’y mga big time drug dealer sa Metro Manila at nakumpiskahan sila ng umaabot sa P1.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.


pinoy-tsino-fake-documents

Pinoy, Tsinoy huli sa mga ‘fake documents’

Kinilala ni QCPD Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga naaresto na  sina Michael Pilar, 37-anyos, may asawa, walang trabaho, at residente ng No. 2944 Rich Santo St., Brgy. Kasilawan, Makati City, at  Benedict Tan Tiu, 29-anyos, binata, at nakatira sa No. 50 Sct. De Guia, Brgy. Laging Handa, QC.


Bagong estilo ng mga adik: Shabu itinuturok na

Ito ang ini-report ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Police Director Oscar Albayalde makaraang madakip ang sampung hinihinalang drug pushers at users sa isang hotel na ginawang drug den sa Cubao, Quezon City.


arrested

Financier ng Maute group, dinakip sa QC

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD), National Capital Region Police Office (NCRPO), National Intelligence Coordinating Agency at AFP Naval Intelligence Service Group-NCR ang isang negosyante na sinasabing financier at miyembro umano ng grupong Maute-ISIS sa Novaliches, Quezon City kamakalawa ng umaga.