Viral sa social media ang isang video kung saan makikita ang isang motorcycle rider na may dalang container para sa Grab, kung saan nangbiktima ng isang SUV.
Tag: Grab
Grab driver, 2 Chinese national tiklo sa droga, baril
Nasamsam ang 6 na plastik ng shabu na may timbang na 13.2 gramo at may street value na P89,760.00, dalawang baril, drug paraphernalias at isang kotse na ginagamit sa pagde-deliver ng shabu ng pinagsanib na pwersa ng Makati Intelligence Unit at Pasay Drug Enforcement Unit sa ikinasang buy-bust operation sa tapat ng kilalang condominium sa kahabaan ng Sunrise Drive, Barangay 76 sa Pasay City. Naaresto ang Grab driver na si Manuel Torres at dalawang Chinese national na sina Wen Bo at Jiaqi Huang na nakapiit ngayon sa Pasay City headquarters.
Grab balik-biyahe sa mga GCQ area
Papayagang bumiyahe ang mga ride-hailing service tulad ng Grab sa mga lugar na sinailalim sa general community quarantine.
Grab pinapaboran kaya hinaharang ang motorcycle taxis – Marikina rep
Tila pinapaboran at inaalagaan umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab dahilan upang harangin umano nito na makapasok ang iba pang players na magsisilbing alternatibong transportasyon ng riding public.
Pagre-record ng Grab sa mga biyahe inalmahan, NPC umaksiyon
Pinatawag ng National Privacy Commission (NPC) ang Grab Philippines para sagutin ang mga reklamo laban sa audio at video recording nito ng mga pasahero sa mga biyaheng naka-book sa kanila.
Netizen naalarma sa pag-record ng Grab sa boses ng mga pasahero
Napansin ng isang netizen ang babala ng Grab na may audio recording sa loob ng kanyang nasakyang kotse.
Bawas-presyo sa Grab asahan sa Pebrero
Inaasahang bababa ang pamasahe sa Grab sa Pebrero, kung kailan tapos na ang panahon ng Kapaskuhan.
Grab nagsimula nang magbigay ng refund
Nagsimula na ang Grab na magbigay ng refund sa ilang pasahero nitong Disyembre 31, 2019.
Negosyo ang Angkas, hindi charity – netizen
Mapanlinlang umano ang kampanyang “Save Angkas.”
Mapipilitan sa mahal na Grab! Mga netizen nagkaisa para sa Angkas
‘Save Angkas!’ – ‘yan ang sigaw ng publiko matapos ipataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na bawasan ang mga accredited bikers ng Angkas.
Sobrang hirap mag-commute! BGC iwasan ng mga jobseeker – netizen
Tip ng isang netizen sa mga naghahanap ng trabaho ay huwag magtungo sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Monopoly na sila! Multa sa Grab, taasan – Gatchalian
Dapat umanong taasan pa nang todo ng Philippine Competition Commission (PCC) ang multa sa ride-hailing service na Grab dahil sa paulit-ulit nitong paglabag sa pamasahe sa kanilang mga kustomer, ayon kay Senador Win Gatchalian.
Imee Marcos napuno na sa pang-aabuso ng Grab
Napikon na si Senadora Imee Marcos sa grab dahil sa tambak na reklamo at pang-aabuso ngayong kapaskuhan.
Masyadong mahal! Fare matrix ng Grab, gustong silipin ni Gatchalian
Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suriin ang fare matrix ng Grab kasunod ng biglang taas na pamasahe nito.
Grab oportunista, mandaraya – De Lima, Marcos
Hindi umano sapat ang paghingi ng Grab ng pasensiya dahil sa kanilang ginagawang panloloko o pandaraya sa kanilang mga kustomer, ayon kay Senadora Leila De Lima.
Refund ng Grab, piso hanggang P100 kada pasahero
Mula P1 hanggang P100 ang matatanggap na refund ng mga pasahero ng Grab na nag-book mula Pebrero hanggang Mayo 2019.
Pag-indyan ng buyer sa Grab driver tatalupan ng Senado
Maghahain ng resolusyon at panukala sa Senado si Senador Win Gatchalian para maimbestigahan ang ginawang panloloko ng isang buyer nang umorder ng 14 bote ng milk tea sa isang mall sa Pasay nitong nagdaang linggo.
Babaeng Chinese sugatan sa mixer truck
Sugatan ang isang babaeng Chinese national nang mabangga ng mixer truck ang sinasakyan nitong Grab, Huwebes ng hapon sa Makati City.
Shabu via Grab, nabisto sa Pasig
Nabuko ang estilo ng pagtutulak ng isang drug pusher kung saan ipinapadala sa Grab ang shabu na inorder ng katransaksyon nito, Lunes ng hapon sa Barangay Rosario, Pasig City.
Grab tinaningan sa kawalan ng kalaban
Binigyan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab Philippines Inc., ng hanggang Oktubre 20 para mapatag nito ang alinlangan sa kawalan nito ng kalaban sa merkado na ikinadedehado ng mga commuter dahil wala silang ibang pagpipilian.