Gordon tinangkang suhulan ng Rodriguez group

Inamin ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon sa panayam sa Senado na tinangka siyang suhulan ng Rodriguez group kapalit ng hindi pagpapatuloy ng pagdinig sa paglabag sa anti-money laundering law o pagpapasok ng milyon milyong dolyar ng naturang grupo sa paliparan na hinihinalang pera ng mga Chinese Nationals na pumapasok sa bansa.


Sapat na supply ng face mask tiniyak ni Gordon

Sinabi ni Senador Richard Gordon na binigyan na ng kapangyarihan ang Philippine International Trading Corporation upang mapunan ang nararanasang kakulangan ng supply ng face mask matapos ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.


Sotto, Lacson, Gordon, Drilon naghain ng petisyon sa Korte Suprema

Nagsama-sama ang apat na senador na sina Senate President Tito Sotto III, Senador Panfilo Lacson, Franklin Drilon at Richard ‘Dick’ Gordon na naghain ng petisyon sa Korte Suprema kaugnay sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.


Rodriguez group malalakas ang loob – Gordon

Nagtataka si Senador Richard Gordon kung bakit malalakas ang loob ng Rodriguez group o pamilya Rodriguez na siyang ginagamit na magpasok ng milyon-milyong dolyar ng Chinese national sa bansa matapos na muling mahuli ito isang araw bago ang pagdinig sa muling tangkang pagpasok ng malaking halaga ng pera sa paliparan.


Review ng UNHRC sa EJK, tanggapin na lang – Gordon

Hindi umano dapat kumalas ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) matapos paboran ng 18 sa 47 miyembro ng konseho ang resolusyon na mag-iimbestiga sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.


‘Doble Plaka’ bigyan ng tsansa – Gordon

Matapos sabihin ni Pangulong Duterte na kanya munang sususpendihin ang Motorcycle Crime Prevention Act (Republic Act 11235) o kilala rin bilang ‘Doble Plaka’ law, iginiit ni Senador Richard Gordon na subukan muna ang nasabing batas bago ito ibaon.