Poe sa DOF, DOE: Asan ang fuel subsidy para sa mga PUJ?

Pinagpapaliwanag ni Senadora Grace Poe ang Department of Finance (DOF) at Department of Energy (DOE) kung bakit hindi namimigay ng fuel vouchers sa mga driver at franchiser sa public transport sector samantalang lumobo na nang husto ang presyo ng petrolyo.