Ilang college student hindi nakatanggap ng free tuition – Gatchalian

Bagama’t patuloy na tumataas ang inilalaang pondo para sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act No. 10931) o free higher education law, pinuna ni Senador Win Gatchalian na may ilang kwalipikadong mga mag-aaral ang hindi pa rin nakakapasok sa State Universities and Colleges (SUCs) kahit na naipasa na nila ang admission exam.