Pangilinan: P5B testing kit hindi sinala ng PS-DBM

Kinuwestiyon ni Senador Francis Pangilinan ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) kung bakit hindi sumunod sa requirement ang binili nilang P5 bilyong halaga ng RT-PCR kit.


Orihinal na taripa sa imported pork ibalik – Pangilinan

Dahil sa mataas pa rin ang presyo ng karne ng baboy, nais ni Senador Francis Pangilinan na ibalik ang orihinal na 20 hanggang 30 porsyento ang taripa sa imported na baboy para matulungan ang mga hog-raiser na makabawi sa pagkalugi bunsod ng African swine fever (ASF).


Pangilinan: VP Leni nagdedesisyon pa tungkol sa 2022

Ipinagtanggol ni Liberal Party president at Senador Francis Pangilinan nitong Sabado si Vice President Leni Robredo kaugnay ng pagiging ‘indecisive’ umano ng pangalawang pangulo sa kanyang balak gawin sa 2022 elections.


Yaman ng WPS sagot sa ilang problema ng bansa – Pangilinan

Limang taon sapul nang lumabas ang arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS) kung saan pinaboran ang Pilipinas, binigyang diin ni Sen. Francis Pangilinan na dapat ipagdiinan ng mga Pilipino ang kanilang karapatan sa naturang teritoryo dahil iyon aniya ang solusyon sa problema ng kagutuman, kahirapan at mataas na presyo ng kuryente.


Pangilinan: Huwag matakot sa banta ng China

Hindi umano dapat matakot ang Pilipinas sa banta ng China kasunod nang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes kung saan binalaan siya ni Chinese President Xi Jinping na magkakaroon ng gulo kung ipipilit nitong maghukay ng langis sa West Philippine Sea, ayon kay Senador Francis Pangilinan.


Mga PUV driver salat sa ayuda – Pangilinan

Sa pagpapatuloy ng sesyon ng Senado sa Lunes, isusulong ni Senador Francis Pangilinan na palawigin ang validity ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 law mula Hunyo 2021 hanggang Disyembre 31, 2021.


Kiko: 30M kilo ng baboy na-smuggle sa PH noong 2020

Dahil sa pagkakaiba ng pork import figure ng Bureau of Customs (BOC) at ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa taong 2020, sinabi ni Senador Francis Pangilinan na susubukan ng Senado na lutasin ang pinaghihinalaang malawakang smuggling ng pork products at African swine fever (ASF) na parehong nakaapekto sa local hog industry.


P20B Bayanihan pondo ilaan sa mass testing, tracing – Kiko

May kabuuang P20 bilyon mula sa Bayanihan 1 at 2, at sa 2021 national budget na dapat gamitin ng gobyerno para sa mas agresibo pang COVID-19 testing at contact tracing program para mahanap ang maraming carrier at mapigilan ang pagkalat ng virus, ayon kay Senador Francis Pangilinan.


Mass testing dapat libre – Pangilinan

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, muling nanawagan si Senador Francis Pangilinan na ilibre ang mass testing kasama ang mas pinaigting na contact tracing at treatment, para mapigilan ang pagkalat ng virus.