Lyceum tinumba ang Mapua

Muling pinaningning ng 12 points ni Ciamelle Wanta ang tsansa ng Lyceum of the Philippine University Lady Pirates sa next round matapos tambangan ang Mapua Univeristy Lady Cardinals, 25-21, 25-11, 25-16, sa 95th NCAA women’s indoor volleyball tournament, Huwebes ng hapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.


NCAA: Benilde panalo pero laglag sa ‘Magic 4’

Humarurot si Yankie Haruna ng 13 points upang akbayan ang College of Saint Benilde Blazers sa 68-62 panalo laban sa Mapua Cardinal sa ikalawang laban ng NCAA 95 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center, San Juan.


Mendoza, Generals nakadalawang kabit

Nasikwat ng Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals ang two-game winning streak matapos manguna sa opensa si Jethro Mendoza upang payukuin ang Perpetual Help Altas, 80-76, sa unang laban ng 95th NCAA basketball tournament Martes sa FilOil Flying V Center, San Juan.


Lugo, Mapua Cardinals pinasuko ang Generals

Nagtambalan sa opensa sina Noah Lugo at Warren Bonifacio upang angklahan ang Mapua Cardinals sa pangalawang sunod na panalo matapos pasukuin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 79-76, sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.


NCAA 95: Nzeusseu, Lyceum binalikan ang Arellano, 93-90

Kumayod sa opensa sina Cameroonian Mike Nzeusseu at magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino upang akbayan ang Lyceum of the Philippines Pirates sa 93-90 panalo kontra Arellano University Chiefs sa 95th NCAA basketball tournament, Martes sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.


Gumabao, Creamline pakitang-gilas agad vs Air Force

Pasiklab agad si Michele Gumabao at Creamline nang igupo ang Philippine Air Force, 25-23, 25-20, 25-15, sa opening Linggo ng hapon ng 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations sa FilOil Flying V Center, San Juan.


Kaewpin, Blanco, Creamline lumapit sa PVL grand slam

Humagupit sina imports Kuttika Kaewpin ng Thailand at Aleoscar Blanco ng Venezuela upang rendahan ang Creamline sa pagbawi sa mabagal na simula upang mapatagas ang PetroGazz, 24-26, 25-16, 25-16, 25-22 at lumapit sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference grand slam Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Center, San Juan.


Guino-o, FEU pinahirit ang UST ng bonus playoffs kontra DLSU

Guino-o, FEU pinahirit ang UST ng bonus playoffs kontra DLSU

Limang set ang kinailangan ni Heather Guino-o at Far Eastern Lady Tamaraws upang sorpresang gantihan ang first round tormentor at defending champion La salle Lady Spikers 25-22, 13-25, 15-25, 27-25, 15-8 Linggo, sa wakas ng UAAP season 81 women’s volleyball tournament second round elims sa FilOil Flying V Center.


MJ Perez sasaklolo sa F2 Logistics

Muling magbabalik sa Philippine SuperLiga si Venezuelan skipper MJ Perez para sa dati nitong koponan na F2 Logistics Cargo Movers sa PSL Grand Prix 2019 na dumating nitong weekend sa bansa.


Carlos, Molde titibagin sina Ebon, Malabanan

Carlos, Molde titibagin sina Ebon, Malabanan

Magtutuos sa second game bandang alas-kuwatro ng hapon sa Miyerkoles, Pebrero 20, ang University of the Philippines (UP) Lady Maroons kontra sa Morayta squad ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.


Smart-Army poposasan ang Cocolife

Isa lang sa Smart-Army Giga Hitters at Cocolife Asset Managers ang makakasungkit ng solo second spot sa Pool B ng 2018 Chooks-to-Go Philippine Superliga (PSL) sa oras na magharap sila alas-siyete ng gabi ngayong araw sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.


alyssa-valdez1

Valdez, Pablo sa PVL grand fans day

Inaasahang dadagsain ang grand fans day ng Premier Volleyball League bukas (Biyernes) sa Trinoma Activity Center tampok ang walong koponan para sa ikalawang season ng liga.


Fans Day ng V League ngayong Biyernes

Tiyak na dadagsain ng mga volleyball fans ang gaganaping press conference at fans day ng Premier Volleyball League (PVL) sa Biyernes sa Trinoma Mall Activity Center.


Baron, Cobb ibabawi ang Lady Spikers

Galing sa masaklap na talo ang Lady Spikers sa limang sets kontra National University noong Linggo tungo sa alas-kuwatro ng hapong balik sa court laban sa Lady Warriors.


PH volleyball team, suportado na ng PSC

Kampton isinalba ang Altas

Tumaktak si Noel Michael Kampton ng 20 puntos kasama ang 15 kills upang isalba ang reigning titlist Perpetual Help laban sa Arellano University, 25-17, 20-25, 25-19, 25-17 kahapon at sikwatin ang unang finals berth sa 93rd NCAA juniors’ volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.