Mga isyu sa WPS, daanin sa diplomasya – Lacson

Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na ang pakikipagtulungan sa malalakas na bansa para suportahan ang freedom of navigation sa pinag-aagawang karagatan sa West Philippine Sea, ang makakapagpatigil sa China sa pambu-bully nito sa mga kalapit na mahihinang bansa, na sinusunod ang maritime rights sa kanilang exclusive economic zones (EEZ).