Mga biktima ng Taal nag-aabang ng tulong sa kalye

Imbes na sa evacuation center mas pinili ng mga residente ng Brgy. San Guillermo sa Talisay na sa kalye na lamang sa kanilang lugar mag-abang o manghingi ng tulong sa mga motoristang may dalang relief goods upang hindi na makasikip pa sa mga evacuation center.


Mga donasyong damit binida ng Taal evacuees

May mga school uniform, baro’t saya, lab gown, at bath robe– mistulang fashion show na sa mga evacuation center matapos matanggap ng mga nagsilikas na residente ang samu’t saring donasyong damit ng mga Pinoy.