Mga overpriced face mask nasabat

Ayon kay Barangay Kagawad Dennis Pancipe, nagsasagawa sila ng monitoring sa mga establisimyento sa Makati nang makita nila ang isang laundry shop na pag-aari ng Chinese na nagbebenta ng overpriced na face mask. Mahigit 2 libong face mask ang nakuha ng mga tauhan ng Barangay Pio del Pilar.