P1B ‘leakage’ sa lifeline subsidy kinuwestiyon

Kinuwestiyon ni Senador Sherwin Gatchalian ang mahigit P1 bilyong posibleng leakage noong 2018 kaugnay ng lifeline electricity rate subsidy na para sana sa marginalized sector o mahihirap na konsyumer.


Gatchalian: Meralco pwedeng matulad sa ABS-CBN

Nagbabala si Senador Win Gatchalian sa Manila Electric Company (Meralco) na dahil ayaw nitong sundin ang Energy Regulatory Commission (ERC), pwede nitong sapitin ang nangyari sa ABS-CBN.


Gatchalian: Meralco parusahan!

Kailangan pagmultahin o parusahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga distribution utilities kabilang ang Manila Electric Company (Meralco) na hindi sumusunod sa kanilang advisory at mga direktiba.


ERC chief nadale ng `shock bill’ sinita Meralco

Mismong si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Agnes Devanadera ay na-shock sa taas ng babayaran niyang konsumo sa kuryente ng distribution firm ni Manuel V. Pangilinan nitong quarantine period.


Pagkuwenta ng Meralco bubusisiin ng ERC

Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) na ipaliwanag ang ginagawa nitong paniningil sa mga kustomer habang umiiral pa ang enhanced community quarantine.


Bayan Muna sa ERC: Meralco imbestigahan sa ‘power surge’

Pinaiimbestigahan nina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco sa kahina-hinalang pagtaas ng singil sa kuryente sa kabila ng pagtiyak ng Inter-Agency Task Force in Managing Emerging Infectious Diseases (IATF ) na may ‘overcapacity of supply.’


Hindi ginamit na kuryente, huwag ipasa sa mga konsumer – Gatchalian

Hinikayat ni Senator Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) at power generating companies (GenCos) na i-relax ang probisyon sa Power Supply Agreements (PSAs) nang sa gayon ay hindi pasanin ng konsumer ang pagbabayad sa ‘unused electricity’ lalo na’t nabawasan naman ang demand sa elektrisidad ngayong panahon ng enhanced community quarantine.


Meralco inutusang magbigay ng 30-araw na extension sa bills payment

Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company ni Manny V. Pangilinan at iba pang mga distribution utilities sa Luzon na bigyan ang kanilang mga customer ng isang buwang extension para sa pagbabayad matapos isailalim ang Luzon sa mas mahigpit na lockdown.


Pakialamerong judge sa Mandaluyong, lagot sa Kamara

Nalalagay sa alanganin ang isang regional trial court (RTC) judge sa Mandaluyong City dahil sa umano’y lantarang nitong pang-aagaw o panghihimasok sa ekslusibong kapangyarihan ng Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay sa usaping may kinalaman sa electricity rate.


DOE dapat itigil ang ‘nilulutong’ bidding ng Meralco! – Bayan Muna

Upang matiyak ang pinakamurang presyong babayaran ng mga konsyumer, dapat itigil ng Manila Electric Company (Meralco) ang ginagawang “pagluluto” sa bidding nito, para panalunin ang sariling kompanyang Atimonan One Energy (A1E), at huwag palusutin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang ginagawang “moro-moro” ng naunang kompanya.