Emergency fund ng electric coops dagdagan – Gatchalian

Mula sa P200 milyong panukalang alokasyon na emergency fund sa susunod na taon para sa mga electric cooperatives, nagpahayag si Senador Win Gatchalian ng suporta na dagdagan ang ilalaang gastusin sa ilalim ng Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF).