PSL: Tubino, Sta. Lucia hindi nagpasilat

Nakahinga nang maluwag si Sta. Lucia Lady Realtors head coach Eddieson Orcullo nang gapiin nila sa apat na set ang makukulit na Marinerang Pilipina, 25-19, 21-25, 30-28, 25-20, sa unang laban ng Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.