Bisikleta patok sa new normal

Patuloy na dumarami ang gumagamit ng bisikleta papasok ng kanilang trabaho lalo ngayong ibinalik sa MECQ ang Metro Manila kung saan suspendidong muli ang pampublikong transportasyon.


Mobile Parañaque cash ATM inilunsad

Inilunsad ng pamahalaang lokal ng Parañaque ang kanilang Mobile Parañaque cash ATM na pinangunahan ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kasama sina Vice Mayor Rico Golez at Congressman Eric Olivarez na para lamang sa mga residente ng lungsod na hindi nakakuha ng unang bugso ng social ameloration program ng DSWD. Aabot sa 55,000 household ang makakatanggap ng tig-5,000 cash at layon ng programa na maiwasan ang face-to-face transaction habang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.


Mga motorista naipit sa checkpoint

Sa ikalawang araw ng MECQ, naipon ang mga motorcycle rider at iba pang motorista sa kahabaan ng Zapote Road, Las Piñas dahil sa ipinapatupad na checkpoint.


Bike repair stations ikinalat sa QC

Naglagay ng libreng bike repair stations ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa ilang lugar para sa mga nagbibisikleta ngayong panahon ng pandemya.


Libreng sakay sa QC

Hawak-hawak ng isang pulis sa Quezon City ang tarpaulin kung saan nakasulat na sila ay nagbibigay ng libreng sakay sa mga walang masakyang pasahero sa ikalawang araw ng pagpapatupad muli ng MECQ.


Libreng sakay sa Valenzuela

Dahil balik MECQ, nagbigay ng libreng sakay sa mga residente ng Valenzuela na walang masakyan dahil sa pagsuspinde ng pampublikong transportasyon.


Mahigpit na checkpoint pinaigting

Iniinspeksyon ng mga pulis ang mga motorista sa boundary ng Valenzuela-Meycauayan, Bulacan sa muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine.


Imbestigasyon ng Senado sa PhilHealth tuloy – Sotto

Itutuloy pa rin ang nakatakdang imbestigasyon sa alegasyon ng malawakang katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kahit na nakailalim sa lockdown ang gusali ng Senado, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.