Roxas Boulevard nagmistulang waterworld, basura inanod sa Manila Bay white sand

Roxas Boulevard nagmistulang waterworld, basura inanod sa Manila Bay white sand

Nagkalat ang basura sa nakatambak na dolomite sa Manila Bay, habang lubog naman sa baha ang Roxas Boulevard sa patuloy na pananalasa ng bagyong Ulysses sa malaking bahagi ng Luzon umaga ng Huwebes, Nov. 12. May ilang barracks din ng construction workers sa kahabaan ng Roxas Boulevard ang nasira dahil sa malakas na hangin nitong magdamag.


10% ng dolomite sa Manila Bay inanod – DENR

Humigit-kumulang sampung porsiyento ng dolomite sand ang inanod sa dagat dahil sa mga malalakas na pag-ulan, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Lunes.


Casiño kay Antiporda: Labada ba ‘yang buhangin?

Inasar ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang pahayag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na hindi nag-wash out ‘yung synthetic white sand kundi nag-wash in lang ang itim na buhangin sa Manila Bay.


DENR: Dolomite sa Manila Bay kulang pa

Kailangan pang dagdagan ang mga dinurog na dolomite rock sa Manila Bay para sa beautification project dito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Mga tigas-ulo, panay pa rin ang selfie sa Manila Bay white sand beach

Mga tigas-ulo, panay pa rin ang selfie sa Manila Bay white sand beach

Tuluyan nang isinara ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang footbridge malapit sa tinaguriang Manila Bay white sand beach. Gayunpaman, may ilan pa ring mga tao na pumupunta sa tambak ng dolomite sa bahagi ng Baywalk upang kumuha ng mga litrato at pagmasdan ang ngayo’y sikat na tanawin.


#AnoAngChika Sasali ka ba sa Manila Bay Challenge?

#AnoAngChika Sasali ka ba sa Manila Bay Challenge?

Bali-balita ang umano’y takaw-COVID na pagdagsa ng mga tao sa Roxas Boulevard para pagmasdan ang itinambak na dolomite “white sand” sa maliit na bahagi ng pampang ng Manila Bay, bahagi ng pag-rehabilitate ng dalampasigan doon.


Buhangin sa Manila Bay, ligtas na?

Buhangin sa Manila Bay, ligtas na?

Ligtas na ang buhangin ng Manila Bay! Muling nag-inspeksyon si DENR Usec Benny Antiporda kasama ang DILG sa kasalukuyang lagay ng Manila Bay at sinabing ligtas na ang pag-halo ng dolomite at original na buhangin ng look.


Vergeire: Dolomite delikado sa tao

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may masamang epekto sa tao ang pinagkunan ng puting buhangin na ibubuhos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay.