ECQ ayuda ibibigay sa LGU bukas – DILG

Sa Lunes, ang P22.9 bilyong pondo para sa cash o in-kind na ayuda sa mga residente sa NCR Plus habang may lockdown ay ibibigay na sa mga lokal na gobyerno.

Banggit pa ni Interior Undersecretary at officer-in-charge Bernardo Florece, Linggo, may 15 araw ang mga lokal na opisyal para ipamahagi ang tulong-pinansyal sa kanilang mga nasasakupan, habang 30 araw naman para sa in-kind.

Magugunitang unang sinabi ng Department of Budget and Management na sinumang kuwalipikadong indibidwal ay makakatanggap ng P1,000 ayuda, habang hanggang P4,000 kada pamilya.

“Ang bilin sa’tin ng presidente ay kung saan mas mabilis maipapamahagi ang ayuda,” ani Florece sa ABS-CBN’s TeleRadyo, Abril 4.

“‘Yung pondo, which is P22.9 billion na binigay ng DBM through Secretary Wendel (Avisado), ay naipasa na sa Bureau of Treasury. Tomorrow, it will be released to LGUs (local government units) directly na beneficiary,” lahad niya pa.

Nang tanungin naman kung may dagdag na ayuda ngayong pinalawig ang enhanced community quarantine sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang Abril 11, sinabi ng opisyal na itong ayuda ay “pang-isang beses” lang.

“Ang pinagkuhanan ng pondo ay ‘yung balance, ‘yung unutilized nung Bayanihan 2. Maliban dyan, wala na tayong pagkukuhanan ng pondo, unless there’s supplemental fund,” aniya pa.

Pwede aniyang gamitin ng LGUs ang mga hindi pa nila nagamit na pondo.


DILG winarningan mga ‘epalitiko’ sa ayuda

Pinagbawalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga politiko laban sa paglalagay ng kanilang pangalan o mukha sa mga ipinamamahaging ayuda sa mga “NCR Plus” area.


DILG, UP magpupulong ngayong linggo

Nakatakdang magpulong ngayong linggo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamunuan ng University of the Philippines (UP) upang pag-usapan ang nilusaw na kasunduan.


DILG pinadudurog mga magnanakaw ng kable

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pulis at local government unit (LGU) na arestuhin ang mga magnanakaw ng kable ng kuryente.


DILG pabor sa Con-Ass

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat idaan sa Constituent Assembly o Con-Ass ang panukalang amiyendahan ang limitadong probisyon ng 1987 Constitution.


Mga priority list sa bawat baranggay ng Metro Manila handa na – DILG

Handa na ang mga priority list sa bawat baranggay sa Metro Manila ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño. “Ngayon, lahat ng mga barangay, lalong-lalo na dito sa Metro Manila, ay nakahanda naman kami diyan pati ‘yung mga listahan ng uunahin na i-injection-an,” ani Diño sa […]


DILG: Videoke sa Pasko, Bagong Taon bawal

Mapupurnada ang planong pagsasaya ng mga mahilig sa karaoke at videoke ngayong Pasko at Bagong Taon dahil bawal munang mag-karaoke habang may peligro ng COVID-19.