Fogging kontra dengue, isinagawa sa Parañaque

Nagsasagawa ng fogging ang mga tauhan ng MMDA Environment Enforcer sa mga kabahayan sa Barangay, San Isidro, Paranaque City . Nagdeklara ng state of calamity ang lungsod ng Paranaque dahil sa mataas na bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.


‘Fever surveillance lanes’ ikinasa sa QC vs lepto, dengue

Inihayag nitong Huwebes, Agosto 22, ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na naglagay na ang lungsod ng ‘fever surveillance lanes’ sa health centers upang mamanmanang mabuti ang mga kaso ng dengue, leptospirosis, viral illnesses, at iba pang ‘febrile conditions.’