Kahit may mga nasaktang deboto: Sinas pinagtanggol ang mga pulis

Ipinagtanggol ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brigadier General Debold Sinas ang mga pulis na nakatalaga sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno matapos umanong magkaroon ng eksena ng suntukan sa pagitan ng mga pulis at deboto habang papasok sa loob ng Quiapo Church.


Paghahanda sa Traslacion

Nagtulong tulong ang mga Fire Volunteer at Manila Department of Public Services (DPS) sa paglilinis sa mga kalye na daraanan ng Andas o Traslacion lalo na ang mga kalye na malapit sa Quiapo Church upang masegurong walang anumang bagay na maaring makadisgrasya sa mga deboto.


Pwersa ng PNP NCRPO EOD, mahigpit na ang seguridad sa Quiapo Church

Handang handa na ang Quiapo Church at mas pinaigting ng PNP,NCRPO, EOD kasama ang kanilang K9-dogs ang seguridad sa paligid ng Quiapo Church ,Plaza Miranda bilang paghahanda sa Traslacion ng itim na Nazareno na nakatakda sa darating Enero 9 milyong deboto ang inaasahang dadalo sa taunang Traslacion.