Pamilya Sanchez sa Senate hearing, ipipilit ni Gordon

Sinabi ni Senador Richard Gordon na kanyang pipilitin na makadalo bukas sa imbestigasyon ng senado ukol sa kontrobersyal na good conduct time allowance ang pamilya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez upang malaman kung mayroon bang bayaran na nagaganap kapalit ng pagpapalaya.


20 taon pa lang sa kulungan si Sanchez – Drilon

Kinontra ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pahayag ng Bucor na 49 years ng nakapag serve sa kulungan si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez kung saan iginiit ni Drilon na 20 years palang nakakapagsilbi ang alkalde simula ng hatulan ito noon taon 1999.


Antonio Sanchez ‘wag palayain! – Gabriela, ilang estudyante

Ibat ibang grupo sa pangunguna ng Gabriela,Estudyante nag tungo sa Department of Justice sa Maynila upang tutulan at manawagan wag palayain si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na responsable sa panggagahasa at pagpatay sa UPLB estudent na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993


Sotto ire-review ang dahilan kung bakit makakalaya si Sanchez

Maghahain ng senate resolusyon si Senate President Vicente Tito Sotto III na naglalayon na i-review ang batas na allowance for good conduct na siyang kumputasyon para makalaya ang isang preso na nahatulan sa pagkakasala dahil duda si Sotto sa posibleng paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.


Drilon: Sanchez ‘di qualified makalaya

Umalma si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa posibleng paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa nakulong sa kasong rape at pagpatay sa dalawang katao na nahatulan ng 7 counts ng pagkakakulong ng habangbuhay kung saan hindi aniya qualified si Sanchez para makalaya.