Insidente sa Dasmariñas Village iimbestigahan ni Sinas

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente sa loob ng Dasmariñas Village sa Makati City nitong Linggo kung saan nagkaroon ng komosyon dahil sa tangkang pag-aresto ng isang pulis sa isang negosyante na lumabag enhance community quarantine (ECQ) protocol.