Sofia walang planong pakasal

Ayon kay Sofia Andres, wala pa raw silang planong pakasal ng race car driver boyfriend na si Daniel Miranda na siya ring ama ng kanyang baby girl na si Zoe. Sa ngayon ay mas focused daw muna sila sa pagpapalaki sa kanilang anak.