Namatay ang 46-anyos na lalaki nang pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng ‘di pa nakikilalang gunman na sakay ng sport utility vehicle (SUV) habang ang una ay naglalakad sa harapan ng Simbahan sa Quezon City, nitong Biyernes ng madaling-araw.
Tag: Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)
‘Di nakuntento: Misis binaril bago pugutan ng mister
Binaril muna bago pinugutan ng kaniyang mister ang kinakasamang babae sa gitna nang matinding pag-aaway sa Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.
Jeepney driver, nadiskubreng nakabigti ng apo
Lawit ang dila at maputla na ang katawan ng nagbigting 50-anyos na jeepney driver nang matagpuan ng kaniyang apo sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, Linggo ng gabi.
Bangkay ng basurero, nabingwit sa ilog
Natagpuang may tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang basurero na natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.
Lolo nahulog sa balkonahe ng bahay, patay
Dahil sa matinding init ng panahon, lumabas sa balkonahe na nasa ika-2 palapag ng kanilang tahanan upang magpahangin ang 70-anyos na retiradong seaman subalit nawalan ito ng balanse kaya nahulog at namatay sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.
Nang-agaw ng baril: Killer ng mag-asawang senior citizen, itinumba
Mistulang hinatulan na ng parusang kamatayan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na walang awang pumatay sa mag-asawang senior citizen matapos na mang-agaw umano ng baril habang ibinabiyahe pabalik ng Camp Karingal, Miyerkoles ng gabi.
Binatilyo tumalon sa Car Park ng Mall
Basag ang bungo at nagkabali-bali ang buto ng isang teenager makaraang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa car park ng isang mall sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.
Taxi driver tinarget sa ulo ng riding-in-tandem
Todas ang isang taxi driver makaraang malapitang barilin sa ulo ng ‘motorcycle riding criminals’ sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Lalaki nakiusyoso sa lamay, pinatay
Tinaniman ng bala sa ulo at katawan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nag-uusyoso sa mga nagsusugal sa lamayan sa Quezon City.
Napagkamalang CR: Architect, dedbol sa ‘killer elevator’
Dedbol ang isang arkitekto makaraang mahulog sa ‘elevator shaft’ ng isang gusali na napagkamalan umanong comfort room sa Araneta Center, Cubao, Quezon City nitong Sabado, Marso 2 ng gabi.
Fish vendor nagbigti sa 3rd floor
Lawit ang dila at maputla na nang matagpuan ang nakabigting katawan ng isang fish vendor sa loob ng silid ng kinakasamang bakla sa Quezon City.
Driver pinagsasaksak ng 45 beses sa quarters
Tinadtad ng saksak ang isang driver habang natutulog sa kaniyang quarters sa Quezon City kaninang umaga (Pebrero 20).
Dos-por-dos hinambalos sa trike owner, patay
Todas ang isang may-ari ng tricycle makaraang hampasin ng dos-por-dos ng trike driver sa Barangay Alicia, Bago Bantay, Quezon City.
Parak niratrat habang kumakain sa restaurant
Pinagbabaril ng gunman hanggang sa mapatay ang isang pulis habang kumakain ng mami sa isang restaurant sa Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi.
Obrero nahulog sa 27th floor ng Robinson Tower
Hindi na naiuwi pa ng isang steelman ang perang sinahod sa pinagtatrabahuhang ‘under construction’ na gusali ng Robinson Giga, makaraang hinihinalang nawalan ng balanse at nahulog mula sa ika-27 palapag nito sa Quezon City, nitong umaga ng Sabado ayon sa ulat ng pulisya.
PNP official itinumba ng ‘riding’
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) habang sakay ng kanyang kotseng Avanza Toyota, na minamaneho ng kanyang misis kagabi sa Quezon City.
Bahay bumigay, 6 nag-iinuman patay
Nagwakas sa trahedya ang masayang inuman ng anim na magkakapitbahay matapos na matabunang buhay sa ginagawang gumuhong bahay sa Quezon City.
Grade 7 student, natagpuang nakabigti ng lola
Nakitang nakabigti ng kanyang lola ang isang Grade 7 student sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.
Obrero patay sa pagtatanggol sa kaibigan
Dahil sa pagtatanggol sa kaibigan, isang obrero ang napatay makaraang saksakin ng isa sa grupo ng nag-iinuman sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.
Dayuhang banker olat sa kawatan
Natangay sa isang banker ang kanyang wallet na naglalaman ng iba’t ibang uri ng pera makaraang madukutan ng kawatan na nagpapanggap na kostumer sa loob ng boutique sa loob ng mall sa Quezon City.